Provincial shows ng Wowowee, dinudumog pa rin

PATULOY NA DINUDUMOG ang  provincial shows ng Wowowee host na si Willie Revillame. Pagkatapos ng show niya sa Davao City two weeks ago kung saan may 100,000 katao ang nanood kay Willie,  last Sunday naman ay umabot sa 150,000 ang mga nagpunta sa Pueblo vacant lot sa Macapagal Avenue, Cagayan de Oro City.

Dahil sa show ni Willie sa Cagayan de Oro kaya hindi siya nakadalo sa Star Magic ball kung saan nandu’n ang executives ng ABS-CBN. For the past two consecutive years kasi ng Star Magic ball ay nandu’n si Willie.

Nagkataon naman kung kailan binabalot ng intriga si Willie at ABS-CBN management dahil sa pagpapa-extend ng kanyang leave of absence saka hindi umapir ang TV host sa Star Magic ball. Actually, baka ma-extend pa ang hindi pag-apir ni Willie sa Wowowee. May show kasi si Willie sa US this month at baka i-extend na rin niya ang stay niya doon para magbakasyon.

Anyway, posible rin na sa susunod na trip sa abroad ni Willie sakyan na niya ang sarili niyang jet plane. Parating na raw  kasi ang binili ni Willie na bagong sasakayang himpapawid anytime.

by Julie Bonifacio

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

3 thoughts on “Provincial shows ng Wowowee, dinudumog pa rin

  1. Paanong hindi dudumugin eh nangangako sila gn malaking pera pamigay para lang pumunta ka sa show nila!!! Kung walang pang halinang pera..pupunta ba ang mga iyan!!!

    Saka huwag naman kayo masyadong exaggerated sa dami ng tao. Kaloka naman ang figures ninyo.

    Bagong jet? Baka pag nakasakay ang mga barkada ni RR Enriquez na pokpok diyan ay gumiwang giwang ang jet huh.Maraming bumabagsak na jet ngayon .

Leave a Reply

Your email address will not be published.