PROVINCIAL PROSECUTOR, KRITIKAL SA AMBUSH

NAGPAPAGALING PA ANG provincial prosecutor na tinambangan sa Cotabato City noong Lunes ng hapon.

Kinilala itong si Maguindanao Provincial Prosecutor Akilali Balt na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at patuloy na nilalapatan ng lunas sa Notre Dame Hospital.

Sugatan din ang driver-bodyguard ng piskal na si Dandan Balt Datu Dakula, 25 anyos.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-4:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa Don TV Juliano Avenue sa Rosary Heights Mother sa naturang lungsod.

Nabatid na binaril ng dalawang lalaki na magka-angkas sa motorsiklo si Balt matapos maipit sa traffic jam ang pick-up truck na sinasakyan nito.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos ang insidente.     (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.