Provincial jail, sinalakay ng NPA; mga armas nilimas

PINANINIWALAANG NAGPAPALAKAS NG puwersa ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kasunod ng paglusob nito sa sub-provincial jail ng Eastern Samar, kung saan ang naging pakay nila ay mang-agaw ng armas.
Sa ulat, nasa 50 armadong lalaki ang lumusob sa nasabing kulungan sa bayan ng Oras, Lunes ng umaga, kung saan sa-pilitang kinuha ng mga rebelde ang mga armas ng mga jail guard na naka-duty.
Natangay ng mga rebelde ang isang kalibre .45, isang .38 caliber pistol, shotgun at M14 rifle.
Matapos na manloob sa naturang piitan, pinasok din umano ang bahay ng isang pulis na malapit lamang sa bilangguan at kinuha ang isang service firearm nitong armalite rifle.
Ayon kay Eastern Samar Police Office director S/Supt. Manuel Cubillo, tinatayang aabot sa 30 mga rebelde ang sumalakay sa naturang kulungan.
Naniniwala naman ang mga awtoridad na armas lamang ang sadya ng mga bandido dahil wala naman silang pinatakas na bilanggo at wala ring nasaktan sa naturang pag-atake. (EUNICE CALMA)

Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.