PROUD SA GIRLFRIEND: Ejay Falcon, ayaw itago si Jana Roxas!

Ejay Falcon

TILA SERYOSO talaga si Ejay Falcon sa girlfriend niya na si Jana Roxas na maging “for life” na babaeng mamahalin niya.

 
Parang peg ng kanyang bagong teleserye sa Kapamilya Gold na “The Promise of Forever” na magsisimula na mapanood simula sa Lunes, September 11.
 
Sa afternoon serye, makakasama niya sina Paulo Avelino at Ritz Azul na magiging pareho nilang mamahalin ni Paulo.
 
Sa bagong serye ni Ejay, it deals about immortality. It’s about love na para sa binata ay happy siya sa pakikipagrelasyon niya kay Jana at proud si Ejay na ipagmalaki ang girlfriend.
 
Kung ang ibang mga taga-showbiz ay inililihim ng mga boyfriend or girlfriend nila, si Ejay iba.
 
“Bakit ko naman itatago? Bakit ko naman hindi ipagmamalaki? Mahal ko siya kaya walang rason na ikahihiya ko siya. Pag masaya ka, ba’t kailangan mong itago?” sabi ng binata.
 
Paniwala ni Ejay, hindi dapat madaliin ang pag-aasawa nang tanungin siya tungkol sa kasalan nila ni Jana.
 

Jana Roxas and Ejay Falcon

Hindi dahil sa ayaw niya sa ngayon: “Okay naman, masaya naman kami. Pero s’yempre, hindi namin minamadali ang mga bagay-bagay.

 
“Pero alam naman natin na pag tayo’y in love or nasa isang relasyon, alam naman natin na sana…nandun lagi yung hope mo na sana siya na, pero siyempre ang hirap magsalita nang patapos, ” sabi ng binata sa media na gumaganap bilang si Philip na lover ni Ritz playing the role of Sofia Madrid na makaka-love triangle naman ni Nicolas played by Paulo na dahil sa isang medical experiment ay magiging isang immortal.
 
Sa serye, sa iba’t ibang bansa ng Eastern Europe sila nag-taping. Sa full trailer na napanood namin, akala ko nga isang pelikula ang The Promise of Forever.
 
Ang serye ng Dreamscape Entertainment para sa ABS-CBN ay directed nina Darnel Villaflor at Hannah Espia.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

One thought on “PROUD SA GIRLFRIEND: Ejay Falcon, ayaw itago si Jana Roxas!

Leave a Reply

Your email address will not be published.