Protesta VS Anti-Cyber Crime Law, Dadalhin Sa Buong Bansa; Mga Kandidato ng Administrasyon, Bubuweltahan

DADALHIN NG grupong Anakbayan ang pagprotesta laban sa RA 10175 o Cyber Crime Prevention Act of 2012 sa iba pang bahagi ng bansa tulad ng eskuwelahan at workplaces.

“Bloggers, netizens, petitioners will tour campuses, communities and workplaces and make the #NoToCybercrimeLaw movement viral online and offline. We will make sure we score a complete victory against e-martial law,” ayon kay Vencer Crisostomo, national chair-

person ng Anakbayan.

Sa kabila ito ng pagbaba ng temporary restraining order (TRO) ng Supreme Court (SC) sa nasabing batas.

Magpapatuloy umano ang mga “black protests” laban sa batas sa pangunguna ng ilang grupo sa bansa.

Nanawagan din ang naturang grupo sa mamamayan na manatiling mapagmatiyag sa mga bantang pagsikil sa karapatang makapagpahayag ng sambayanan.

Samantala, binuweltahan din ng grupo ang pagsakay umano ng mga kandidato ng administrasyong Aquino sa Anti-Cyber Crime Law. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.