Protesta sa Cybercrime Act: 7 websites ng gobyerno, hinack

PITONG WEBSITES ng gob-yerno ang na-hack nitong nakalipas na Miyerkules kabilang ang sa Bangko Sentral ng Pilipinas (bsp.gov.ph), Metropolitan Waterworks and Sewerage System (mwss.gov.ph), The American Chamber of Commerce of the Philippines Inc. (amchamphilippines.com), Philippine Anti-Piracy Team (papt.org.ph), Smokefree ng

Department of Health (smokefree.doh.gov.ph), Department of Environment and Natural Resources Region 3 (r3denr.com), at Institute for Development and Econometric Analysis (IDEA.org.ph).

Bumungad sa mga web-

sites ang mensahe ng nagpakilala lamang bilang “Anonymous Philippines” na kumukondena sa Republic Act Number 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sinusupil ng naturang batas ang kalayaan sa pamamahayag gamit ang makabagong teknolohiya, ayon sa mga hackers.

Ayon naman kay Red Tani ng Filipino Free Thinkers na bagama’t naiintindihan niya ang sentimyento ng mga hackers, nilinaw naman nitong hindi niya kinukunsinti ang ginawa ng mga ito.

Para naman kay Atty. JJ Disini ng University of the Philippines (UP) College of Law, labag sa batas ang ginawa ng mga hackers bukod pa sa wala naman aniya itong maidudulot na pagbabago.

Samantala, napag-alaman na una na ring naghain ng petisyon kontra sa Cybercrime Law ang limang katao para ipawalang-bisa ang sections 4, 6, 7, 12 at 19 ng Cybercrime Prevention Act of 2012 o ang Republic Act 10175.

Sa 31-pahinang petition for certiorari and prohibition with prayer for a temporary restraining order na isinampa nina Jose Disini, Jr., Rowena Disini, Lianne Ivy Medina, Janette Toral at Ernesto Sonido, iginiit ng mga ito na ang nasabing probisyon ay labag sa fundamentals rights na nagpoprotekta sa 1987 Constitution.

Nais ng nasabing grupo na pigilan ang kalihim ng DoJ at DILG, Executive Director ng Information Communications Technology Office, NBI at PNP sa pagpapatupad ng mga naturang probisyon ng Cybercrime Act.

Labag sa double jeopardy ang section 6 at 7 ng nabanggit na batas dahil dinoble nito ang parusang pagkakakulong kaugnay sa paglabag sa umiiral nang penal laws, giit ng petitioners.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.