Protesta Laban kay Hataman 2 Bomba, Narekober sa Cotabato City Bombing

DALAWANG BOMBA ang narekober ng mga awtoridad makaraan ang pagsabog sa Cotabato City.

Kasunod ito ng pinaigting na seguridad sa Office of the Regional Governor (ORC) ng ARMM sa lunsod.

Ayon kay Cotabato City Police Office chief S/Supt. Danny Reyes, isang improvised explosive device (IED) ang sumabog sa harap ng Don Sero Elementary School sa Sinsuat Avenue bandang alas-7 ng gabi noong Lunes.

Wala namang nasugatan sa insidente.

Matapos nito ay dalawang IED na gawa sa bala ng 81 mm mortar ang natagpuan ng pulisya sa labas ng Shariff Kabunsuan Complex sa loob ng ORC compound ng ARMM sa Cotabato.

Natukoy naman na responsable sa pagpapasabog ang nagpakilalang Bangsamoro Independence Movement na tutol sa pag-upo ni dating Anak Mindanao party-list Rep. Mujiv Hataman bilang OIC governor ng ARMM.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.