Protesta Kontra Oil hike, Ikinasa

ISANG MALAWAKANG protesta ang ikinasa ng militanteng transport group na Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) kahapon para kondenahin ang anim na sunud-sunod na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo sa bansa makaraan ang May 13, 2013 elections.

Sinabi ni Piston National President Goerge San Mateo na kailangan nang aksyunan ng gobyerno ang walang puknat na oil price hike dahil sobra-sobra na ang epekto nito sa maliliit na mamamayan na naging dahilan din ng pagtaas ng halaga ng mga bayarin at  bilihin.

Sa pinakahuling oil price hike, umaabot na sa P41.40 halaga ng diesel kada litro at P51.55 kada litro ang gasolina ang itinaas sa presyo.

Dahil sa pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo, napapanahon na aniya para ibasura ng gobyerno ang Oil Deregulation Law, pagtanggal sa 12 percent VAT sa petrolyo at isabansa ang industriya ng langis na pawang ugat ng oil price hike.

Ayon naman kay LTFRB Chairman Winston Ginez, walang magaganap na taas sa pamasahe sa mga pampublikong mga sasakyan sa bansa kahit na may mga pagtaas sa halaga ng mga produktong petrolyo dahilan sa wala namang nagsasampa ng petisyon sa ahensiya para sa fare hike.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.