Protesta Kontra Dagdag-Singil sa Kuryente, Kasado na sa Biyernes

IKINASA NA sa Biyernes ang “lights off” protest laban sa nakaambang P4.15 kada kilowatt hour (kWh) na dagdag-singil sa kuryente.

Hinimok ng Kabataan Partylist ang 4 na milyong konsyumer ng power distributor na patayin ang ilaw mula alas-6:00 hanggang alas-6:30 ng gabi.

Sinabi ni Rep. Terry Ridon na ang 30-minutong “lights off” ay simpleng paraan para maipahatid sa Meralco ang pagtutol ng sambayanan sa bigtime power rate hike bagama’t hahatiin ito sa tatlong bagsak.

Maaalala na una nang inanunsyo ng kumpanya na tataas ng P2.41/kWh ang generation charge ngayong buwan at masusundan pa ng P1.21/kWh sa Pebrero at P0.53/kWh sa Marso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.