Protektor ng Big Time Tulak, Tepok

PATAY ANG isang hitman na pinaniniwalaang  protektor sa big time drug pusher nang pumalag sa pag-aresto ng mga pulis kasunod ng buy-bust operation ng PNP sa Barangay Canhabagat, Medellin, Cebu kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Joven Senining na nagtamo ng tama ng bala sa dibdib ngunit binawian ng buhay habang isinusugod  sa Verallo District Hospital sa Bogo City.

Habang arestado rin ang isa pa nitong kasama na kinilalang si William Mercader na sinasabing isa sa number one drug list personalities sa Cebu.

Ayon kay Cebu Provincial Police Office (CPPO) Director Patrocinio Comendador, dakong alas-4:30 ng hapon kamakalawa nang isagawa ng mga tauhan ng PNP Cebu ang buy-bust operation sa pamamagitan ng kanilang poseur-buyer na bumili ng halagang P1,000 sachet ng Shabu kay Mercader.

Nasakote ang mga suspek makaraang magreklamo ang mga residente sa lugar dahil sa malimit na umanong pag-aaway ng grupo ni Senining.

Nakumipsika naman ng mga pulis sa mga suspek ang 82 maliliit na sachet ng Shabu, 2 medium sachet at 1 large sachet ng Shabu sa bahay ni Mercader na umaabot naman sa halagang P65,500.

Nakuha rin ang drug-sniffing paraphernalia, digital weighing scale, KG-9 pistol, dalawang .45 pistols, .22 magnum revolver and bullets.

Agad namang dinala sa Regional Crime Laboratory 7 ang mga nakumpiskang baril at mga drug paraphernalias.

 (S. CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.