Proteksyon sa mga artista, panahon na!

 

KUMIKILOS NA ang buong mundo upang bigyan ng proteksyon ang mga artista o performers!

Sa ‘Pinas, bukod tanging ang tinatawag na sound and movie recordings lang ang may proteksyon, pero ang performance na ginawa ng isang artista ay wala.

Sa katatapos pa lamang na Diplomatic Conference on the Protection of Audiovisual Performances sa Beijing, China, pinangunahan nina Meryl Streep na nag-uwi ng best actress award sa Oscar ngayong taon, Antonio Banderas, Jackie Chan, Jon Huertas, Christine Lakin, Pamela Reed, Brazilian actress na si Sonia Braga, Spanish star na si Javier Bardem, Canadian actress Ferne Downey at renowned Beijing opera performer Mei Baojiu ang panawagan sa buong mundo na kumilos at bigyang-proteksyon ang performance ng mga artista.

Batay sa report, 48 na bansa na ang lumagda sa tinatawag na Beijing Treaty on Audiovisual Performances para suportahan ang pagbibigay ng proteksyon sa performances. Samantalang ang kinatawan ng ‘Pinas na si Intellectual Property Office Director General Ricardo Blancaflor ay kabilang sa 122 na bansang nag-parti-cipate sa tinatawag na ‘Final Act’ sapagkat kinakailangan pang balasahin ng Kongreso at Senado ang Intellectual Property Code.

Ang pagkilos upang maging ganap na signatory ang bansa ng naturang Beijing Treaty ay hindi lamang proteksyon para sa mga performance ng mga pumanaw na artista, kundi dapat ma-kinabang ng rebolusyong ito ang industriya ng entertainment.                              (EC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.