Proteksyon ng fisherfolks laban sa Tsina, tiniyak

PINAWI NG pamahalaan ang pangamba ng mga lokal na mangignisda hinggil sa panibagong tensyon dulot nang ipinapatupad na “fishing policy” ng Tsina sa bahagi ng West Philippine Sea.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, hindi kinikilala ng gobyerno ng Pilipinas ang bagong fisheries regulation ng Beijing at malinaw umanong paglabag ito sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

Siniguro rin ng kalihim ang proteksyon ng pamahalaan sa mga kababayang mangingisda sa area.

Una rito, hiniling ng Pilipinas sa Tsina ang kaukulang paglilinaw kaugnay ng pinairal nitong ang patakaran ng pangingisda partikular sa pinagtatalunang mga isla sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Valte na mahalagang ituloy ng DFA na hingin ang paliwanag ng Tsina kahit pa sinabi na nitong lumang batas at inamyendahan lamang ang piniiral na fishing policy.

Inihayag pa ni Valte na kakausapin ng Philippine ambassador to Beijing ang kanyang counterpart para magkaroon ng opisyal na pahayag sa naturang sensitibong isyu.

Una ng sinabi DFA spokesman Raul Hernandez sa isang pahayag, labis na nakakabahala ang nabanggit na panuntunan at dapat linawin agad ng Tsina.

Sinabi pa ni Hernandez na lalo lamang iinit ang tensyon sa rehiyon at isa itong paglabag sa international law partikular sa UNCLOS at taliwas din sa nakatadhana sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.