Prosekusyon, Itinangging Nawawalan ng Kumpiyansa sa Kanila ang Pangulo

TODO TANGGI ang prosekusyon sa mga pahayag na nawawalan na ng kumpiyansa sa kanila si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ayon kay House lead prosecutor at Iloilo 5th District Rep. Niel Tupas Jr., inihayag nito na kabaliktaran ito sa mga pahayag na binitiwan ng Presidente na nagpapakita ng kanyang tiwala na magiging matagumpay ang prosekusyon na mapaalis sa puwesto si Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Nilinaw ni Tupas na kahit pa harap-harapan na nagpapakita ng kanyang suporta ang pangulo sa impeachment, hindi naman daw nakikialam ang Palasyo.

Napag-alaman na maaaring malagay sa alanganin ang prosekusyon kapag napatunayan na nagsisinungaling sila at peke ang kanilang dokumento sa bank accounts ng punong mahistrado. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.