Prosekusyon, ‘Hugas-Kamay’ sa $10-M ni Corona

ISANG ARAW bago ang inaasahang pagharap sa impeachment court ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, binigyang-diin ng House prosecution panel na hindi galing sa kanila ang alegasyong nagmamay-ari ng $10-million bank deposit si Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay prosecution panel spokesman at Marikina Rep. Miro Quimbo na maging sila ay nagulat din sa nakabinbing reklamo laban sa chief justice sa Ombudsman.

“Linawin ko po, iyang sampung milyon na iyan, hindi po sa amin nanggaling iyan. First time po nila (defense) marinig iyan, first time din po namin marinig iyan. Talagang kung iisipin mo, talagang kagimbal-gimbal… dahil ang alam namin $700,000, na nakita po doon sa deposit signature cards,” ani Quimbo.

Naniniwala ang mambabatas na sa pagharap din mismo ng punong mahistrado sa witness stand ay mapapaliwanagan ang taong-bayan sa isyu.

Una rito, inihayag din ng Ombudsman na  sasagutin niya ang lahat ng tanong patungkol sa $10 million foreign currency accounts ni Corona.

Maging si Akbayan Party-List Rep. Walden Bello ay nag-hugas-kamay na rin sa isyu ng dollar accounts ng punong mahistrado.

Wala siyang personal na nalalaman sa sinasabing $10 million na account ni Corona. Paglilinaw naman ng mambabatas,

hindi aniya sa kanya nagmula ang naturang halaga at hindi iyon kasama sa kanilang complaint sa Ombudsman.

Forfeiture case ang kanilang isinampa at ang pigurang $10 milyon ay nanggaling sa imbestigasyon ng Ombudsman, ayon pa rin kay Bello.

Gayunman, handa rin ang mambabatas na humarap sa nasabing paglilitis.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.