Prosekusyon, hindi handa sa impeachment

AMINADO ANG prosecution panel na hindi sila handang iprisinta ang unang artikulo ng impeachment o ang usapin ng partiality ni Chief Justice Renato Corona sa mga kaso ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ipinipilit kasi ni Rep. Elpidio Barzaga na unahin ang isyu ng article 2 o ang isyu ng SALN ng punong mahistrado.

Sa panig ng depensa, sinabi ni dating Justice Serafin Cuevas na handa sana silang banggain ang mga banat ng prosekusyon ngunit hindi naman pala ito handa.

Hindi naman napigilan ng mga nanonood sa impeachment proceedings na matawa sa ilang ginawang pangangatuwiran ni Rep. Barzaga ng Cavite ukol sa authenticity ng mga dokumento ng prosekusyon.

Tinanong kasi ni Senate President Juan Ponce Enrile si Barzaga kung gaano katotoo ang mga hawak nilang dokumento na mariing tinututulan ng depensa.

Ikinakatuwiran ni Barzaga na computer generated ang kanilang dokumento kaya hindi niya masabi kung authentic ito.

Hiniling pa ng kongresista na ipagpaliban ang proceedings ngunit napapa-iling lamang ang mga senador-judges sa mga hirit ng kongresista.

Samantala, ibinasura ng Senado, bilang impeachment court, ang kahilingan ng House prosecution panel na ipatawag sa ginaganap na impeachment trial ang buong pamilya at ilang kaanak ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sa ruling, tinukoy ang nakasaad sa Article 3 ng 1987 Constitution kung saan hindi mapipilit ang isang tao na magtestigo sa isang pag-lilitis.

Maliban dito, hindi rin umano maaring gawing testigo ang pamilya laban sa kanilang sariling ama. Ito umano ay malinaw na nakasaad sa Sections 22 at 24 ng Rule 30 ng Rules of Court. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.