Prosecution, niloko ang publiko – Sen. Arroyo

NILOKO AT pinaiikot lang ng prosekusyon at administrasyon ang ulo ng publiko sa kanilang akusasyon laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ito ang ipinagdiinan ni Senator Joker Arroyo kahapon sa pagpapatuloy ng impeachment trial laban sa punong mahistrado, nang tumayo ang senador ay inilarawan niya “cavalier attitude of the administration and the prosecution”.

“Quite frankly you misled the public by announcing 45,” ani Sen. Arroyo kay lead prosecutor Rep. Neil Tupas, Jr. Patungkol ito sa paglalabas sa media at pagkukundisyong ginawa ng prosekusyon sa isip ng publiko na mayroon 45 ari-arian si Corona, at sadyang napakayaman nito.

Idinagdag pa ni Sen. Arroyo na akusasyon sa punong mahistrado ay “terribly unfair” para rito.

Nauna rito, tinanong ni Senate Pro Tempore Jinggoy Estrada ang defense witness na si Land Registration Authority Administrator Eulalio Diaz III, kung bakit may mga titulong nakasama sa inilabas na listahan ng LRA na tumutukoy dating Quezon City Mayor Ishmael Mathay at sa National Housing Authority.

Sinabi ni Diaz na iyon ay dahil sa mga nasabing titulo ay naibenta sa isang kapangalan ng manugang ni Corona na si Constantino Castillo.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya si Sen. Estrada. Aniya, “You have to be sure next time around kasi pinagyayabang ng prosecution that the respondents own 45 properties…”

Iginiit ng defense panel na sa 45 ari-arian na naunang inakusa ng prosekusyon, lima lang ang aktuwal na pagmamay-ari ni Corona.

Sinabi ni abogado ni Corona na si Atty. Noel Lazaro, sa 45 ari-arian, 17 rito ang kanselado ang mga titulo, apat ang tumutukoy sa isang condominium unit na may tatlong parking lot sa The Bellagio, at pito ang nasa Marikina.

Iprinisinta ng depensa ang mga testigo at dokumentong nagpapatunay na ang condo sa The Bellagio ay pag-aari ng anak ni Corona na si Maria Charina, habang ang ari-arian sa Marikina ay noon pang 1990 naibenta sa isang kamag-anak, kay Demetrio Vicente.

“That makes six in this list [but] there is a big lot that has actually two titles your honor,” paliwanag pa ni Lazaro kung paanong ang 45 ari-arian ay naging lima habang isinasagawa nito ang direct examination sa LRA chief.

Ayon naman sa naka-panayam naming mga abogado, ang intensiyon ng prosekusyon ay para ipahiya at mag-resign si Corona sa pamamagitan ng pressure bunsod ng propaganda laban sa punong mahistrado.

Subalit hindi ito pinatulan ni Corona at sinabing hindi siya aatras at lalaban niya ang impeachment. Kahiyaan na umano sa bahagi ng prosekusyon ang kanilang alegasyon, kaya’t napilitan na silang harapin na lang ang impeachment at mamingwit ng ebidensiya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Prosecution, niloko ang publiko – Sen. Arroyo

Leave a Reply

Your email address will not be published.