Sipat-eklat: Promo lang pala! Sikat na aktres, inakalang totohanan ang lovey-dovey nila ng sikat na aktor!

SIPAT: MAGPAPAKASAL na raw sa AMERIKA sina OYO BOY SOTTO at KRISTINE HERMOSA?
EKLAT: TAPOS na ang HONEYMOON STAGE?

SIPAT: Teka, UMAMIN na bang MAGSYOTA sina OYO BOY at KRISTINE?
EKLAT: KAILANGAN pa ba?

SIPAT: DAPAT daw ay HINDI sa WOWOWEE nag-GUEST si SEN. LOREN LEGARDA. Mas bagay raw sa SHOWTIME…
EKLAT: PAKITANG-GILAS kasi si SENADORA, e!

SIPAT: Nasa ASAP XV na ang SIKAT na DANCE GROUP na JABBAWOCKEEZ.
EKLAT: May IPANTATAPAT sa kanila ang SOP FULLY-CHARGED – the BAYANIHAN DANCERS!

SIPAT: NANGANGANIB nang MASIBAK ang SOP FULLY CHARGED, sey ng isang source.
EKLAT: Kasi naman HANGGANG NGAYON, e LOW-BATT pa rin ang RATINGS nila!

SIPAT: TULOY na ang TAMBALAN nina SARAH GERONIMO at LUIS MANZANO sa Viva movie na HATING KAPATID.
EKLAT: For sure, TATANGGI si LUCKY na LAGYAN ng ROMANTIC ANGLE ‘yan. BAKA nga naman MASILAT pa ang PANLILIGAW niya ULI kay ANGEL LOCSIN.

SIPAT: Kung GAGAWA naman ng REMAKE sina JOHN LLOYD CRUZ at SHAINA MAGDAYAO…
EKLAT: …SWAK ‘yung – INDAY BOTE!

SIPAT: ‘I’ve LEARNED my LESSON,’ sey ni NYOY VOLANTE nang MATANONG kung bakit NON-SHOWBIZ ngayon ang SYOTA niya.
EKLAT: Na-BROADCAST kasi nang HUSTO ang UTANG niya nu’ng SHOWBIZ ang SYOTA niya?

SIPAT: Uy, WALA naman daw UTANG si NYOY sa EX-GF niyang si NINA!
EKLAT: So, PUBLICITY GIMMICK lang ‘yung DEMANDA sa kanya ng SOUL SIREN?

SIPAT: TIGILAN na raw sana ang PANG-IINTRIGA kina CHRISTIAN BAUTISTA at JED MADELA.
EKLAT: Baka MAGSABUNUTAN, este, MAGPANG-ABOT na ang DALAWANG ‘yan, sige.

SIPAT: SIKAT na SIKAT pala si CHRISTIAN sa INDONESIA, ‘no?
EKLAT: BAKIT, dito ba sa ATIN, e, HINDI?

SIPAT: Blind Item: DINUROG ng SIKAT na AKTOR ang PUSO ng SIKAT na AKTRES. Kasi ba naman, SUPER LOVEY-DOVEY sila nu’ng PROMO ng MOVIE nila. EXPECTING tuloy si AKTRES na TOTOHANAN na ‘yon. E, hanggang PROMO lang pala.
EKLAT: Clue: NAND’YAN lang SILA…

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

Previous articleBistek, kinasuhan ng pagnanakaw
Next articleRayver Cruz, daring na ang image sa bagong teleserye!

No posts to display