Promo Girl, Hinostage ng Pedicab Driver

HINOSTAGE NG isang pedicab driver na lango sa ilegal na droga ang isang promo girl sa department store sa Zamboanga City, kamakailan.

Lumalabas sa report na nangyari ang insidente sa ikalawang palapag ng establisimiyento sa Mayor Climaco Avenue kung saan bigla na lamang hinila ng suspek na si Patboy Isaali, 23-anyos ang biktima na si Barbara Dela Cruz, 20.

Sinasabing nangangailangan umano ng pera si Isaali para masundo ang asawa na nasa General Santos City na siyang nagtulak pa para i-hostage nito si Dela Cruz.

Umamin rin si Issali na nasa impluwensya siya ng ilegal na gamot.

Samantala, nailigtas din ang nasabing biktima matapos makipagnegosasyon ang mga awtoridad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.