Promding Problemado sa Pamilya, Lumaklak ng Lason

TODAS ANG isang da-laga matapos tumungga ng lason sa pinapasukang tindahan dahil sa problema sa pamilya sa kanilang probinsiya sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Pagamutan Lungsod ng Malabon si Aira Espenida, 19, tubong-Camarines Sur at stay-in sa Uno Market sa Women’s Club St., Hulong Duhat ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-6 ng gabi, nagpunta sa banyo ang biktima at paglabas ay napansin ng amo na namumutla hanggang sa mawalan ng malay na naging dahilan upang dalhin sa PLM.

Nabatid sa kasamahan ng biktima na nagpabili ang nasawi ng silver cleaning solution sa isang Jason Valenzuela dahil mag-lilinis umano ng kanyang mga alahas na silver.

Nasabi rin ng isang kaanak ng biktima na may problema sa pamil-ya ang dalaga at gusto na umanong mamatay na lang.

Inaalam na ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.