Project NOAH Site, tinangkang i-hack

NAPILITANG ISARA ng Project Nationwide Operational Assessment of Hazard (NOAH) ang kanilang website simula kahapon ng madaling-araw hanggang bago mag-alas-9:00 dahil sa tangkang pangha-hack.

Ayon sa Project NOAH Director Mahar Lagmay, na-monitor ng kanilang mga Information Technology (IT) experts ang tangkang pag-hack sa isa sa mga server ng Department of Science and Technology (DOST) kaya habang pinipigilan ito ay kinailangan nilang magpatupad ng preemptive measure.

“Proj NOAH servers are currently under DDoS attack. We are sorry for the temporary service interruption.” Ani ni Lagmay sa kanyang tweet bandang alas-10:00 ng umaga kahapon.

“Just heard from DOST-ASTI engineers that they are winning the battle against the bad hackers. Project NOAH should be online again very soon.”

Ang DOST-Advanced Science and Technology Institute (ASTI) ay isa sa mga server ng DOST.

Kasabay naman ng pagtitiyak na ligtas ang website ng naturang ahensiya, nanawagan naman si DOST Spokesperson Mon Liboro sa mga hacker na lubayan ang websites ng gobyerno na nagbibigay ng impormasyon lalo na sa panahong may bagyo sa bansa.

Una nang hinack ng grupong nagpakilalang Anonymous Philippines ang ilang government websites bilang protesta kontra Cybercrime Prevention Act.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.