Project Noah, Epektibo Mga Residente ng Marikina, Nailigtas ni Lagmay

EPEKTIBONG NA-MONITOR ng Project Noah ang panganib na maaaring idulot ng sunud-sunod na pag-ulan nitong mga nakalipas na araw bunsod ng habagat, kung kaya’t maagap na nailigtas ang mga residente sa Marikina na nasa paligid ng Marikina River.

Alas-3 ng madaling-araw kahapon, puwersahang pinalikas ang mga residente sa Marikina na nasa mababang lugar sa paligid ng Marikina River, matapos na patunugin ang warning siren sa lugar.

“Please wake up now and move away from the low lying areas along Marikina River, including Tumana and Provident [Village],” sabi ni Project NOAH head Mahar Lagmay sa kanyang twitter account na @nababaha.

Sinabi ni Lagmay na ang water level sa Upper Marikina Watershed sa Montalban, Rizal ay umabot na sa taas na 28.14 meters. Ito na ang pinakamataas na lebel ng tubig dito simula noong Lunes.

Umabot na rin sa 19.68 meters ang lebel ng tubig sa Sto. Niño station bandang alas-3 ng madaling-araw kahapon, at makalipas ang 40 minuto, mabilis itong umakyat sa 20.04 meters.

Babala ni Lagmay, inaasahang mabilis pang aakyat ang lebel ng tubig sa Marikina River sa susunod na dalawang oras, kung kaya’t agarang inabisuhan ang mga residente sa lugar na magsilikas agad.

Tumuloy naman sa mga evacuation center sa mga eskuwelahan sa Marikina ang mga apektadong residente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.