Project NOAH at ADMATEL, pinuri ni PNoy sa SONA

PINURI NI Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang Department of Science and Technology (DOST) na pinangungunahan ni Sec. Mario G. Montejo sa mga matagumpay na programa nito ukol sa electronics at

disaster mitigation na binanggit pa nitong nakaraang State of the Nation Address (SONA).

Unang binigyan ng kredito ay ang Nationwide Operational Assessment of Hazards (NOAH), kung saan ang nasabing programa ay nakatuon sa pag-iwas sa sakuna at kalamidad, habang ang ikalawa ay ang Advance Material Testing Laboratory (ADMATEL) ukol sa testing ng mga electronic parts.

Buo ang tiwala ng PNoy administration sa kakayahan ng DOST na iangat ang bansa sa pamamagitan ng agham teknolohiya at inobasyon ‘for a smarter Philippines’.

Sa naging panayam ng pahayagang ito kay Montejo, kanyang binanggit na bagaman ‘di nabanggit ng pangulo na isa

sa solusyon sa trapiko na tinuran nito sa SONA ang Automated Guideway Transit System ng kanilang kagawaran, sinabi naman niyang ito ay nasa experimental stage pa lamang, ngunit sa kabila nito ay marami nang LGU ang nagkakaroon ng interes maging adaptor, kabilang ang Lungsod Quezon.

(MJ Balaguer)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.