PROJECT NA TATANGGIHAN NI VILMA SANTOS, IPAPASA KAY NORA AUNOR?

KUNG HINDI KAMI nagkakamali, bukod sa magiging first TV appearance ni Judy Ann Santos sa grand finals ng Talentadong Pinoy tomorrow, Saturday, March 12, at sa Sunday, malapit na rin yatang mapanood ang bagong TV commercial ng aktres na gatas kasama ang kanyang 5-year old daughter na si Yohan.

Marami tuloy ang nagtatanong kung papalitan na ba raw talaga ng Young Superstar at ng anak nito ang unang celebrity moms and their kids na mga naging endorsers ng nabanggit na TVC. O, baka naman addition to the family kumbaga ang mag-inang Juday at Yohan?

MASAYANG-MASAYANG IKINUWENTO sa amin ni Marissa Sanchez na finally, may baby na sila ng kanyang asawang si Ian.

To date, 15 days old na ang adopted baby daughter ng magaling na komedyante’t singer. Giliw na giliw raw sa pag-aalaga ang first-time parents sa kanilang kauna-unahang anak na may hawig raw talaga kay Marissa.

Although, wala pang ibinigay na pangalan sa bata ang komedyana, blessing raw na maituturing ang baby daughter nila, dahil hindi nawawalan ng trabaho si Marissa, gaya ng kanyang upcoming show na Mutcha sa Zirkoh sa Zirkoh, Tomas Morato sa April 9, Saturday, at 9 pm, na ang special guest lang naman ay si John Lloyd Cruz!

Kaya naman ginawang benificiary ni Marissa at ng kanyang mga produ ang Child Haus.

AT 84 YEARS old, 39 pala, no more-no less, lahat-lahat ang bilang ng mga anak ng respetadong si Ramon Revilla, Sr. sa lahat ng minahal niyang mga babae na nakasulat ang mga pangalan sa ibaba ng ipinagawang rebulto ng kanyang mga anak sa pangunguna ni Sen. Bong Revilla sa bungad ng Cavite Coliseum sa Bacoor, Cavite.

Meron ding mini museum na ipinatayo ang mga anak ng action hero sa compound ng coliseum na tinawag nilang ‘MemoRevilla,’ kung saan naka-display ang maraming larawan ni Senyor kasama ang mga naging leading ladies nito at iba pang mga nakasama sa pelikula at sa pulitika. Makikita rin ang iba’t ibang damit o costumes na sinuot ng action superstar sa kanyang mga pelikula, pati mga orihinal na kopya ng movie scripts n’ya, at iba pang mga memorabilla.

Dumating sa birthday celebration ni Senyor Ramon at unveiling ng kanyang rebulto nung Martes sina Mother Lily Monteverde, Tirso Cruz III at asawang Lyn Ynchausti, Phillip Salvador, Tates Gana, Marissa Andaya, Marissa Sanchez, Sen. Loren Legarda, Jobert Sucaldito, Bernard Cloma, former president and now Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo, Sen. Jinggoy Estrada and wife Precy Ejercito, former president Joseph Estrada, and boxing champ Manny Pacquiao and wife Jinkee.
TAMA BA ANG aming nabalitaan na kung hindi raw pupuwede si Gov. Vilma Santos-Recto para gumanap bilang asawa ni Gov. ER Ejercito sa pelikulang El Presidente, ang Superstar na si Nora Aunor daw ang napipisil na kapalit ng mga produ?

Tanggapin kaya ni Ate Guy ang role if ever ialok sa kanya ito pagbalik niya sa ‘Pinas? Aalamin natin ‘yan sa close confidante niya at ating kaibigang si Albert Sunga.

KUNG NAPANOOD NG fans ni Kim Chiu ang kanilang idol na may special participation sa teleseryeng Minsan Lang Kita IIbigin sa ABS-CBN, huwag kayong mag-alala, dahil malapit-lapit nang magbalik muli sa primetime ang aktres.

We heard, magsisimula nang mag-taping by end of March o sa pagpasok ng April si Kim ng kanyang bagong teleserye sa Dos na Binondo Girl, if we’re not mistaken.

As of press time, wala pa raw napipiling leading man para kay Kim at hindi pa buo ang cast. Ang sigurado pa lang ay ang magiging direktor nito na si Direk Malou Sevilla.

PERSONAL: BELATED HAPPY birthday to Gretchen Barretto last March 6 and to our dear friend, Marissa Andaya, last March 7!

Ugaliin n’yo pa rin pong makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ogie Diaz, Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, Friend Rommel Placente and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log onto www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter, too, @francissimeon. Maraming salamat po!


Franz 2 U
by Francis Simeon

Comments are closed.