Programang Pangkalusugan, Isinulong sa Navotas

ISINULONG ANG programang pangkalusugan ng tanggapan ng Navotas City Health bilang pagselebra ng Nutrition Month sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidades sa buong buwan ng Hulyo.

“To boost the city government’s existing health programs, we have enjoined volunteer doctors, dentists, aerobic dance instructors and enthusiasts and bikers to join us in various activities this month to campaign for a healthy lifestyle and provide basic medical needs to our constituents,” said Tiangco.

Magkakaroon rin ng libreng konsulta sa ngipin na may temang “Masasakit na Ngipin, Aalisin” at aabot sa dalawang daang residente ng lunsod ang makikinabang ng naturang proyekto.

May 21 dentista ang magsasagawa ng free-dental check up kabilang si Coun. Reynaldo Monroy na isa ring dentista.

Gaganapin ito ngayong araw, Miyerkuoles, Hulyo 18, 2012 sa Navotas City Hall Ground ganap na 8:00 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

Ang mga susunod pang aktibidades ay ang ehersisyo, pagpapadyak (funbike) na may temang Padyak Para sa Kalusugan, medical mission, at blood letting sa pamumuno ni Dra. Liberty Domingo, hepe ng City Health office.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.