Programang Pangkalusugan, Inilunsad sa Navotas

BILANG PAGDIRIWANG ng Buwan ng Nutrisyon, nag-lunsad ang pamahalaang lokal ng Navotas ng mga programa hinggil sa obser-basyon at pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon sa pangunguna ng City Health department.

Isa sa mga inihandang programa para rito ay ang “Nutrition Assessment and Counselling among Navotas City Government Employees” sa Hulyo 12, 17, 19, 24, 26 at 31 na gaganapin sa 4th floor lobby, Navotas City Hall.

Bukod dito, makikiisa rin ang mga Barangay Nutrition Scholars ng Navotas sa gagawing forum ng Valenzuela City sa Hulyo 12 habang pangungunahan naman ng nasabing departmento ang isang forum para sa mga ina ng mga malnourished children at pregnant o lactating mothers na may titulong “Gabay sa Wastong Nutrisyon para sa Pilipino” sa Hulyo 18.

Makikipagtagisan ng galing sa On-the-spot Poster Making Contest ang ilang grade 5 at 6 students ng lungsod sa San Juan Gymnasium sa Hulyo 19 gayundin ang mga representative sa Inter-LGU Jingle Singing Contest sa Mandaluyong City sa Hulyo 30.

Magkakaroon din ng motorcade ng floats ang 14 na barangay sa lungsod at libreng Zumba-Aerobics Exercise para sa mga empleyado ng city hall sa   Hulyo 30.

Ang taunang Aeromarathon ni Kon. Ricky Gino-gino ay gaganapin naman sa Hulyo 27 sa football field ng San Roque Elementary School.

Bilang suporta sa lokal na pamahalaan at kanilang programang medikal, isa pang bagong ambulansya ang ipagkakaloob ni Cong. Toby Tiangco mula sa kanyang Priority Assistance Development Fund o pork barrel sa Navotas Health Department sa unang araw rin Hulyo.

“Ang mga proyekto at mga programang ito ay naglalayong maisulong ang pagkakaroon ng healthy lifestyle. Ito rin ay kaugnay ng month-long celebration ng Buwan ng Nutrisyon na ating pinaghandaan para sa tuluy-tuloy na pagtaas ng antas ng kalusugan ng bawat Navoteño,” ayon pa kay Navotas Mayor John Rey Tiangco.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.