Programa sa Modernisasyon ng PAGASA, Kailangan Nang Ratipikahan

NAPAPANAHON NANG isabatas ang modernisasyon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magbubukas para 141 posisyon na tinaguriang “The PAGASA Modernization Act of 2014”. Ito isinusulong sa naganap na media seminar sa Subic Bay Metropolitan Authority ng nakalipas na linggo.
Nabatid na dapat ang administrador ng ahensya (PAGASA) ay may ranggong underscretary na ina-appoint ng pangulo ng bansa na irerekomenda lamang ng kalihim ng Department of Science and Technology, at ang tatlo niyang deputy administrators, para sa research and development, operations, at engineering.
Nakadagdag din sa nasabing batas na dapat ay may bayad ang ibang espesyalisadong serbisyo ng ahensya liban sa pagtaya ng panahon. Ang mga special report, research at mga mahalagang impormasyong legal, sa aviation, atbp.
Nalulungkot ang mga kawani na hindi umano pinapansin ng Department of Budget and Mangement ang new salary scale ng ahensya.

Samantala ang RA 10535 o ang Philippine Standard time (PhST) Act of 2013 na kapag ‘di umano nasunod ay unang maaapektuhan ang mga taga-radyo at telebisyon.
Layon nitong maging time conscious  ang mga Pinoy at sa darating na New Year’s Day, nais sana ng ahensyang i-synchronise ang countdown ng national time consciousness at nais nilang kung maaari ay si Pangulong Benigno S. Aquino III o si Department of Science and Technology Secretary Mario G. Montejo ang manguna.

(MJ Balaguer)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.