Programa para sa kabataan, suportado ni Mayor Tiangco

 

SUPORTADO NI Navotas City Mayor John Rey Tiangco, ang mga programang nakalinya sa kasalukuyan para sa mga kabataang Navoteño, simula magsara ang klase sa lahat ng pampublikong paaralan sa naturang lungsod.

Sa panahon ng summer vacation, masusing tinutukan ng nasabing alkalde ang mga oportunidad na maghahasa ng kakayahan at kaalaman ng mga kabataan pagdating sa isports, musika at sining.

Naniniwala rin ang mayor na malaki ang maaaring maging kontribusyon ng mga ito sa pag-unlad ng isang lungsod lalo na kung buo ang suporta ng lokal na pamahalaan sa kanilang mga interes at talento.

Simula ngayong buwan, bubuksan muli ang taunang Summer Youth Program na libreng makakapag-aral ng volleyball, table tennis, swimming, badminton, pencak silat, mixed martial arts, arnis, guitar playing, dancing, acting, at iba pa ang mga kabataang Navoteño.

Bukod pa rito, nais ding pagtibayin ng punong lungsod ang camaraderie at sportsmanship ng mga kabataan sa pamamagitan ng 2nd Mayor John Rey’s Badminton Cup kung saan bubuksan para sa lahat maging residente ng ibang kalapit na lungsod ang nasabing kompetisyon.

Ganu’n na lamang ang suporta ng punong lungsod sa mga nasabing proyekto dahil siya rin mismo bilang ama sa dalawang anak ay nais masuportahan ang bawat hilig at talento nila.

“Para sa mga ama na rin tulad ko, gusto natin hangga’t maaari ibigay lahat ng ating suporta sa mga hilig at talento ng ating mga anak,” ani pa ng alkalde.

At para sa mga karagdagan impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng Public Information Office ng lungsod o tumawag sa 281-1111 local 102.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Programa para sa kabataan, suportado ni Mayor Tiangco

Leave a Reply

Your email address will not be published.