Production staff at crew ng teleserye, Paskong tuyo Claudine Barretto, sinumpong na naman ng topak?!

NAPAKA-UNFAIR NAMAN KUNG totoo na kaya magtatapos ang top-rating primetime soap ng GMA-7 na Iglot ay dahil sa ayaw nang tapusin ito ni Claudine Barretto. Dahil na nga rin sa kanyang pinagdaraanang problema sanhi ng pagkawala ng kanyang pinaghirapang pera na tumataginting na P5 million.

Kung saan ang nakakaawa ay ang mga tao sa produksiyon ng Iglot, mula sa utility hanggang sa mga artista na bigla na lang mawawalan ng trabaho dahil lang sa ayaw na ni Claudine. Kung kailan nga raw magpa-Pasko, tsaka sila mawawalan ng trabaho.

Mabuti raw si Claudine, mayaman at may pera. Papaano naman daw ang mga tao sa produksiyon na umaasa lang sa kinikita sa Iglot? Kung sa bagay, wala raw magagawa ang mga ito kung sinumpong ng topak si Claudine at gusto na nitong iwan ang Iglot, kahit pa maraming taong madadamay.

Sarili lang daw ni Claudine ang kanyang inisip na malayong-malayo kay Camille Prats na mas malalim at mas grabe ang pinagdaraanan sa pagkamatay ng kanyang asawa, pero hindi nito iniwan ang show at nag taping pa rin. Kaya naman daw saludo ang mga tao sa likod ng produksiyon ka’y Camille sa pagiging professional nito pagdating sa trabaho.

 

“I’M SINGLE BUT happy!” Ito ang naging kataga ng bida sa pelikulang Aswang ng Regal Films na si Lovi Poe nang makausap namin sa radio program ni Kuya German Moreno sa DZBB, ang Walang Siyesta.

Inamin ni Lovi na marami raw nagpaparamdam nang i-announce nito na loveless siya, pero wala raw time si Lovi para ma-in love muli. Mas gusto raw niyang mapag-isa muna at tutukan ang kanyang trabaho, lalo na raw at sunud-sunod ang magagandang projects na duma-rating sa kanya.

Nakapanghihinayang naman daw kung mas ipa-priority niya ang kanyang buhay-pag-ibig at isasantabi muna ang kanyang blooming career. Kaya naman daw mas pinili niya ang kanyang papagandang career at tsaka na lang ang ma-in love muli.

Naniniwala raw ito na darating din ang oras na kailangan niyang bigyan na ng oras ang kanyang puso at gusto nito na kapag dumating ‘yung time na ‘yun, matagpuan na niya ang kanyang Prince Charming na kanyang mapapangasawa, makakasama at mag-aalaga sa kanyang pagtanda.

 

HANDA NANG MANAKOT ang TV5 sa pagbabalik-telebisyon ng sumikat noong dekada ‘80 na horror series sa bansa, ang Regal Shocker, na mapapanood na tuwing Sabado ng gabi after The Jose and Wally Show featuring Vic Sotto, mula sa Nov. 5.

Sa pagsasanib-puwersa ng TV5 at ng Regal Multimedia, Inc., magagandang kakatakutang palabas at mga sikat at bigating artista’t direktor ang hatid nito mula sa pilot episode na ‘Elevator’ na pagbibidahan nina Niña Jose at Gabby Concepcion.

Na susundan ng 2nd episode na ‘Red Shoes’ bida sina Ruffa Guttierez, Wendell Ramos at Lara Quigaman. Habang sina Edgar Allan Guzman at Alex Gonzaga naman ang magbibida sa 3rd Episode sa ‘Piano’,  ang pang-apat na episode na ‘Resort’ ay pagbibidahan ni John Lapus, at pang-limang episode naman na ‘Kulam’ ay pagbibidahan ni Martin Escudero.

 

MAGKAKAROON NG GRAND Fans Day/ Birthday Show ang Tween Hearts, Iglot at Master Showman mainstay na si Hiro Magalona sa darating na Linggo, Nov. 6, 4 p.m. sa 3rd floor ng SM City North Edsa Main Bldg.

Kung saan magiging espesyal nitong panauhin ang kanyang mga co-Tweens na sina Teejay Marquez, Kristoffer Martin, Rhen Escano at ang ka-loveteam nitong si Kim Komatsu. Darating din ang kaibigan nito sa showbiz na si Gigger Boys member na si Benjamin De Guzman, UPGRADE, Dance Squad dancers, atbp.

 

MULA SA BUMUBUO ng Pinoy Parazzi at sa aming Patnugot na si Danilo Flores, condolence sa naiwang pamilya, kamag-anakan at kaibigan ng aming auntie na si Mrs. Juaning Varias na yumao noong Nov. 1.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

22 thoughts on “Production staff at crew ng teleserye, Paskong tuyo Claudine Barretto, sinumpong na naman ng topak?!

  1. yang ASWANG isa yan sa napaka walang kwentang palabas na napanood ko…kaya lang namin namin pinanood na curious lang kami kung nakaktakot ba yung palaba..sinubukan lang namin…alam nyo ba kung anog reaksyon nung mga nanood sa loob ng sinehan imbes na sumigaw sa takot…sumisigaw sa kakatawa ng istorya…tsk..tsk..tsk…nagsasayng lang ng pera……….kaya hindi umuunlad ang movie industry gawa sa ganayng klaseng mga palbas…makagawa lang ng pelikula….walang quality….

  2. hahaha isisi pa k Clau ang PAGKATIGOK ng IGLOTu! ang sabihin nio, FLOP/POOR RATiNGS/AGB-GMA-PEP TANDEM/PADDING hahaha e2 nmn kz mga KANGUSO xempe keber dahl sa LIBRENG Sardinas at NFA… LOL Kalurkey tlga kea nanunuyo na mga utak nio at ang bilis nio ma manipulate hahaha… SIKAT dba tga GME? ehhh asan ang maraming endorsement nla? haha mga Blockbuster Movie? ni Reyna kuno nio FLOP na eh.. db MARIAN? LOL

  3. talagang obvious na si Claudine ay un-stable at may sakit sa ulo. Dapat sa kanya ay mag break sa showbiz at magpagamot sa Makati med. Marami ng gamot sa mental diseases. Naawa ako kay Reymart dahil napakpasensiyoso niya.

  4. TAMA KA GANDARA PARK, WAG NG MAOKRAY MGA KAPUSO, AMININ NYO NA KASI NA PANGIT TALAGA MGA SHOWS NYO. KAHIT SINO PANG SIKAT NA ARTISTA ANG PUMASOK SA GMA 7, TALAGANG MALALAOS.KASI NAMAN WALANG KWENTA MGA PINAGGAGAWANG SHOWS!! HALA MAOKRAY NA NAMAN SI SHEBIE. HAHAHAHHAHAHA

  5. huwag isisi kay claudine. isisi sa poor ratings. kahit naman ang time of my life mawawala na din diba? kasi poor din ang rating. kahit ang munting heredera, poor rating na rin, malapit na ring matigbak. ang amaya, moderate rating lang. maniwala nman tayo sa agb rating?? please sa mega manila lang number 1 DAW pero pag sa ibang parte na ng luzon, buong visayas at mindanao, laos at flop an amaya. anyway, wala kay claudine ang problema kundi nasa poor story ng iglot at ang nakakairitang pilit na akting ng batang artista doon at ang poor quality special effet ng mismong bida na si iglot— ika nga si IGLOT ANG BAKLANG ANGRY BIRD! HAHAHAHA

  6. laos na si claudine.  starlet na siya okay.  umalis pa kasi sa Dos.  pareho sila ni jolina at marvin at patrick.  hayan nagsama sama ang mga starlet.  tingnan niyo nga hindi na siya hinabol ng Dos kasi hindi naman siya kawalan.  

  7. alam mo shebi kung ang channel 2 ay tinatawag mo kapangitya network.  ako ang magbabansag sa channel 7.  ang channel 7 ay KAPUTA NETWORK.  lol

  8. BASTA NANDYAN ANG PINOY MD AT HANEP BUHAY PANALO PA RIN ANG SIYETE……….MABUHAY KAPUSO!!!!!!!!!!!!!MAMATAY ANG KAPANGITNYA NETWORK!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  9. nag extend ang TOML kasi walang ibang show na maipalit. tingan nyo ang comedy bar, foreign show na naman ang ipapalit kasi walang local show na nakahanda. they weren’t expecting na MATITIGBAK ang kacheapang comedy bar! CONDOLENCE na lang sa iglot, time of my life at comedy bar!!! alin pa ba ang susunod, sorry shebieshit! bwahahaha!

  10. siguro kung sa TV5 lumipat si claudine baka maisalba pa kahit papano ang career nya. bakit kasi sa BASURANG KAPOKPOK NETWORK pa sya lumipat, WHAT A WASTE OF TALENT, alam naman nang lahat na mnga STARLETS ang nandon!!! sorry shebieshit! bwahahaha!

  11. the truth is: ang time of my life sana ang tatapusin na dahil kailngan ipasok ang survivor. but since nagiinarte c claudine the magement decided na ang iglot ang putulin for survivor. ang TOML ngyon ang nagextend ng 2 weeks ata. 

  12. C OPIUM STAR ANG DAPAT SISIHIN CYEMPRE HINDI GUSTO NG GMA 7 NA ITULOY YAN TAPOS WALA NAMAN MAHIHITA KAY CASINO QUEEN EH DI TIGBAKIN NA LANG……….ANG NEXT TELESERYE YATA NA GAGAWIN NIYA AY TUNGKOL NA SA BANK ROBBERY………HAHAHAHAHAHA……..IBALIK NA YNA SA DOS PARA DOON NA MAGKALAT KUNG SAAN SIYA NAGSIMULA

  13. Mr John Fontanilla nakakaloka ka..Hindi ka pa nga sikat wala ka nang kredibilidad sa pagsusulat..ayusin mo ang mga linyang gingamit mo sa artikulo mo..Naki kisawsaw ka sa isyu ni Claudine eh..Eh ano naman kung ayaw na ni Claudine ipagpatuloy ang Iglot.E sa mag end na ang contract nya this november.At isa pa BAKLA ang management nag syete ay may gusto nun…Tsee ka..Para kumita lang kung anu-ano na pinagsasabi mo.Maputulan ka nga nang kamay

  14. Ayan na naman, GMA sisihin niyo bakit iniklian ang airing ng IGLOT. Don’t blame Claudine! Isang executive mismo ng GMA ang nagsabi, hanggang dun na lang ang airing ng iglot at hindi si Claudine ang dahilan. Itong mga reporters/writers na to, may maisulat lang at bumenta dyaryo nila. Kailangang mag imbento, tseee!

  15. Isisi ba kay Claudine?! GMA ang may desisyon na tapusin na dahil sa Survivor. Tuloy tuloy nga daw ang pagtatrabaho ni Claudine kahit may problema ang tao eh.

Leave a Reply

Your email address will not be published.