Producer na, talent coordinator pa: celebrity, mag-isang nagtatrabaho sa kanyang show

TAWA KAMI nang tawa sa tsika ng isa naming kaibigan. Kuwento niya kasi, awang-awa na raw siya sa kanyang kaibigan dahil parang, ‘one man-show’ lang daw ito, literally sa kanyang show.

Aniya, “Imagine, siya na nga ang producer ng show, siya pa ang talent coordinator. Literal na siya ang nagtatawag ng mga kaibigan niyang artista para mag-guest sa show.”

Payo raw nila sa kaibigan, itigil na raw niya ang show para raw hindi na siya magastusan pa nang husto, dahil hindi naman daw siya tinutulungan ng istasyon.

“Eh, matigas ang ulo niyan, ewan ko sa kanya. Sana nga pakinggan na niya kami dahil parang naramdaman naming pagod na pagod na siya.”

Ay, oo nga naman! Minsan nasilip namin siya na tumalun-talon sa kama kasama ang kanyang guest. Eh, ‘di kung pagod, tulugan na lang niya ‘yung kama. Siguro at peace siya ‘pag nakaidlip na siya. Ayan na ang clue, ha?

By Arniel Serato

loading...

14 thoughts on “Producer na, talent coordinator pa: celebrity, mag-isang nagtatrabaho sa kanyang show

  1. Tim Yap? di namin alam may show pala yan?hahaha sabagay di naman kasi kami nanonood sa kabila at iilan lang naman ang nanonood doon 

Leave a Reply

Your email address will not be published.