Producer Baby Go, patuloy sa pagggawa ng critically-acclaimed at internationally-recognized films

Producer Baby Go of BG Productions International

Producer Baby Go of BG Productions International

Patuloy pa rin sa paggawa ng pelikula ang mabait na producer na si Baby Go. Sa maikling panahon, nakagawa na ang kanyang film outfit na BG Productions International ng less than 50 films na karamihan ay kinilala sa mga international film festival.
Katwiran niya kasi, bukod sa nag-e-enjoy siya, nakatutulong pa siya sa mga maliliit na manggagawa ng pelikulang Pilipino. Bukod pa sa kanyang foundation na partly ng kinikita ng kanyang mga pelikula ay inilalagay niya rito.
“Gusto ko kasing makatulong, kasi galing ako sa wala, kaya gusto kong mag-share ng blessing. Kung anong mayroon ako, gusto ko itong ibahagi sa kapwa.
“Masaya ako kapag gumagawa ako ng feeding projects, outreach program, mga ganu’n. Ang saya-saya ng pakiramdam ko.”
Sa ngayon bukod sa pagpo-prodyus, balak ding sumabak sa mundo ng telebisyon si Ms. Baby at balitang siya mismo ang magho-host sa bagong larangan na kanyang papasukin.
Balak ng producer na isang public service program ang kanyang gagawin para lalo pa raw siyang makatulong sa mga nangangailangan. Masyado pa siyang busy sa mga panahong ito at kung hindi magbabago ang ihip ng hangin, mapanonood ang kanyang TV show bago matapos ang 2016. Secret muna kung anong istasyon, pero tinitiyak niyang matutuloy ito.
Well… good luck na lang, Madam, sa iyong bagong pagkakaabalahan. At sana, lalo ka pang magpatuloy sa paggawa ng pelikula.

Rodel Fernando
by Rod’s Nest

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.