Problemadong Seaman, Patay sa Bigti

ISANG 36-ANYOS na seaman ang namatay matapos magbigti ga-mit ang lubid sa loob ng kanyang silid sa kanilang bahay sa Oyo Torong St. kalibo, Aklan.

Ang naturang biktima ay walang asawa at residente ng nasabing lugar ay halos dalawang linggo pa lamang na nakababa sa barko.

Batay sa ulat, nagulat na lamang ang isang bata sa loob ng kanilang bahay matapos makitang nakabigti ang biktima sa kisame sa loob ng kanyang silid.

Samantala, sinasabing bago ang pagpa-patiwakal ay gumawa ito ng suicide note para sa kanyang ama na isang retired police at bumili pa ng lubid na ginamit sa kanyang pagbibigti.

Nakapaloob naman sa naturang suicide note na problema sa pamilya ang dahilan ng pagbibigti ng biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.