Problemadong Helper, Nagpakamatay

HINDI UMANO NAKAYA-NAN ng isang helper ang matinding problemang dinaranas nito sa buhay kung kaya’t minabuti na lamang nitong tapusin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Ang biktima na wala nang buhay nang matagpuan ay nakilalang si Antonio Balanday, 32, stay-in helper ng No. 34 Milagros St., Bagong Barrio, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng umaga nang makita ang bangkay ng biktima sa loob ng silid nito na nakabigti gamit ang nylon cord.

Nabatid na nagtataka ang ilang kasamahan ni Balanday na hindi pa ito lumalabas sa kanyang silid at nang tingnan ay nakita na itong nakabigti, dahilan upang ipaalam sa pulisya ang nasabing insidente.

Ayon naman sa mga kasamahan ng biktima, madalas nilang nakikita na matamlay si Balanday at sinasabing marami itong problema.

Inaalam na ng pulisya ang pagpapakamatay ng biktima o kung may naganap na foul play sa nabanggit na insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.