Problemado sa Pamilya; Kasambahay, Nagbigti

PATAY MATAPOS magbigti ang isang katulong sa Brgy. 16, lungsod ng Laoag.

Nakilala ang nasabing biktimang si Elvie Kate Anderson, 18-anyos, dalaga at residente ng Brgy. Palyas, Vintar, Ilocos Norte.

Ang biktima ay nakita na lamang ng kanyang amo na nakabitin sa kanyang silid.

Sa isinagawang pagsisiyasat, nagbigti ang biktima dahil sa problema sa kanyang pamilya.

Kinumpirma naman ni Dr. Imelda Tamayo ng City Health Office na dati nang nagtatangkang magpatiwakal ang biktima sa pamamagitan ng paglaslas sa kanyang pulso.

Samantala, nagbigti ang biktima gamit ang isang electric cord.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.