Problemado sa Pambili ng Gamot: Lolo, Tumalon sa Footbridge

PROBLEMA SA gastusin ang tinitingnang dahilan ng pamilya ng matandang lalaki na tumalon sa footbridge sa Manila Central University (MCU) sa Edsa, Caloocan City, Lunes ng umaga.

Tumalon mula sa footbridge si Marcial Mallo, 65-anyos kung saan nakita ito ng 12-anyos na apo nang umakyat sa railings ng footbridge.

Ayon sa salaysay ng ikalawang anak ng biktima na si Rey, kumbinsido itong problemang pinansyal ang dahilan ng pagpapatiwakal ng kanyang ama.

Isinama pa si Lolo Marcial ng kanyang manugang sa San Lazaro Hospital noong Sabado upang magpa-check-up.

Doon nireresetahan ito ng 12 gamot na ang ilan ay nasa P95 ang isang piraso na kailangang inumin tatlong beses kada araw.

Wala pang petsa ang libing ng biktima dahil na rin sa kahirapan ng pamilya.

Sa ngayon, nakaburol ang labi ni Lolo Marcial sa kalsada sa Potrero, Malabon malapit sa kanilang bahay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.