Problema sa PCOS, Ipinaubaya na sa mga Eksperto

IPINAUUBAYA NA ng Commission on Elections (Comelec) na tumatayong National Board of Canvassers (NBoC) ang mga naitalang problema sa mga precinct count optical scan (PCOS) machines sa kanilang technical experts.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na maging siya ay hindi makasasagot sa mga tanong ukol sa mga isyung teknikal dahil maging siya ay nahihirapang unawain ang mga problemang ito.

Pero kung may mga matutukoy aniyang rason para magkaroon ng espesyal na proseso ng botohan ay saka na lamang nila pagpapasyahan bilang NBoC.

Samantala, iginiit ni Brillantes na mas mababa ang bilang ng mga PCOS error nga-yon kumpara sa naitala noong 2010 kaya tagumpay pa rin ang 2013 midterm elections.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.