Problema sa Local Civil Registry ng Mambusao

0939589xxxx – Idol Raffy, isa po akong concerned citizen at gusto ko lamang na ipakalampag sa inyo ang mga kinauukulan lalo na sa Mambusao, Capiz dahil dalawang taon nang walang naka-assign na tao sa Local Civil Registry. Hindi tuloy namin maayos ang may mga corrections sa birth certificate. Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat po.

0932471xxxx – Idol, isusumbong ko lang po itong istasyon ng pulis sa Project 4, Quezon City na iyong mga ebidensiya na motorsiklo ay inuuwi sa bahay ng mga pulis. At kapag may krimen, lalo na kapag motorcycle riding in tandem ang involve hindi po itinatawag at hindi ipinaaalarma ng hepe. Pakiaksyunan naman po dahil kawawa ang mga nabibiktima. Salamat po. – Concerned Citizen

0923262xxxx – Sir Raffy, hihingi lang po ako ng tulong dahil iyong asawa ko po ay takot na takot sa pulis na rito nakatira sa lugar namin. Noong isang araw kasi ay nakasalubong niya ang pulis na ito at kinuha sa kanya ang cellphone at perang hawak niya nang walang dahilan. Sana po ay matulungan ninyo kami.

0939241xxxx – Sir Raffy, isusumbong ko lang po sa inyo na may armadong tao rito sa aming lugar sa Caloocan na nanutok ng baril. Isang bata pa nga ang naging biktima ng isang pulis. Sinuntok at tinutukan ng baril ang kaawa-awang bata. Maraming nakakita ng pangyayari at maraming magpapatunay na sinuntok at tinutukan ng baril ng pulis ang pobreng bata. Sana po ay matulungan ninyo ang bata. Maraming salamat po.

0907608xxxx – Sir, itatanong ko lamang po kung ligal ba ang ginagawang panghuhuli ng mga naka-T-shirt na “Recom” dito sa Bagong Silang, Caloocan City. Hindi naman po sila mga pulis dahil wala naman kaming makitang ibang identification sa kanila na pulis sila. Ano po ba ang dapat naming gawin para malaman namin kung authorize silang manghuli rito? Basta-basta na lamang po kasi silang nagpapahinto ng sasakyan at manghuhuli. Salamat po.

0929246xxxx – Sir, sana po ay matulungan ninyo ako sa aking problema sa Civil Registry sa Quezon City dahil hanggang ngayon ay hindi nila ine-endorse ang mga dokumento ko sa National Statistics Office (NSO) samantalang nagpadala na ang Clerk of Court ng certification. I hope na matulungan ninyo ako.

0908132xxxx – Pakikalampag naman po ang mga kinauukulan tungkol sa palengke ng San Pedro dahil wala nang madaanan ang mga tao sa loob dahil sa mga nakahambalang sa daan na paninda.

0905377xxxx – Mr. Tulfo, isa po akong concerned citizen at isusumbong ko lang po ang tungkol sa 4Ps dito sa Bulacan. Laging kulang o hindi kumpleto ang mga natatanggap ng mga tao dito na tulong ng 4Ps. Sinasabi po na kung magrereklamo kami ay tatanggalin ng DSWD ang tulong sa amin.

Ang WANTED SA RADYO (WSR) ay napapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes-Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ang WSR ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa Channel 41. Channel 1 sa Cignal Cable, Channel 7 sa Destiny at Channel 61 sa SkyCable.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.