Problema sa Hacienda Malalang, Tinapos na ng DAR

 

NATUGUNAN ANG matagal nang problema ng 112 magsasakang tenant at ng mga katutubong tribo sa 317-ektaryang lupain na taniman ng saging sa Malalang, Davao Del Sur, kung saan namagitan ang Department of Agrarian Reform (DAR).

Namagitan ang kagawaran sa compromise agreement ng mga magsasaka sa pamamagitan ni DAR Undersecretary for Special Programs and Agrarian Reform Stakeholders Relations Office (SPAR-SRO) Rosalina Bistoyong.

“On the other hand, the heirs of the Egalan-Gubayan clan could exercise full control of the remaining land and could eject anybody found to be encroaching on their property,” ayon kay Bistoyong.

Naganap ito matapos magkasundo ang mga tagapagmana ng lupa ng Egalan-Gubayan, lahi ng Tagacaolo tribe, sa bahagi ng kanilang pagki-claim sa nasabing malawak na plantasyon ng saging na bahagi rin ng 716-hectare ancestral domain ng kanilang tribo.

Ayon pa kay Bistoyong binibigyan ng kasunduan ang mga magsasaka ng karapatan na linangin  ang isang ektarya sa nasabing 317-ektaryang lupain karagdagan sa 13 ektaryang lupain na hinati-hati sa kanilang lahat.

Matatandaang tinugunan ng Court of Appeals ang isang petisyon na isinampa ng National Commission on Indigenous People (NCIP), kung saan pinipigilan ang DAR na paalisin ang mga tagapagmana ng Egalan-Gubayan sa kanilang ancestral land na sertipikado at deklarado, alinsunod sa itinatadhana ng batas sa Section 50 (i) of the Indigenous Peoples Right Act (IPRA).       (MJ BALAGUER)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.