Problema sa graduation

0917874xxxx – Sir, sa San Lorenzo Elementary School ng Karangalan Village ay naniningil ng P450 para sa graduation ng mga mag-aaral. Hindi daw ga-graduate ang hindi nagbayad. – Concerned parent ng Manggahan, Pasig City.

0909934xxxx – Idol, isusumbong ko lang itong Bucal National High School ng Maragondon, Ca-vite dahil sa panghihingi ng P600 bilang graduation fee. P150 daw po para sa contribution, P50 sa pintura ng school at P400 daw para sa toga, pagkain at upuan. Hindi po lahat ng magulang ay kayang bayaran ang hinihingi nilang bayarin para sa graduation. Salamat po.

0906642xxxx – Sir Raffy, hihingi lang po ako ng payo kasi po ang anak ko ay ayaw nang pumasok sa kanyang eskuwelahan sa Norzagaray, Bulacan dahil sinabihan siya ng teacher niya na huwag na daw siyang pumasok kahit kailan. Nagkaroon po ng phobia ang anak ko at talagang ayaw nang pumasok kahit anong pilit namin. Ano po ba ang dapat naming gawin? Maraming salamat po.

0907594xxxx – Idol Raffy, isa po akong taxi driver, irereklamo ko lang po sana iyong traffic enforcer ng Mandaluyong dahil pinagamit niya ang paniket niya kay Alvin Lobo para matiketan ako dahil na-cut ko ang patrol nila.

0932922xxxx – Sir Raffy Tulfo, irereklamo ko lang po sa inyo ang isang doktor at nurse ng Gregorio del Pilar District Hospital o Emergency Hospital ng Bulacan, Bulacan dahil nagalit sila sa pagdala ko sa anak ng alas-kuwatro ng madaling-araw. Sinabihan po akong dapat ay alas-otso ng umaga ko dinala ang anak ko. Sir, sobrang taas ng lagnat ng anak ko, hintayin ko pa daw ang alas-otso kasi ay natutulog pa daw ang doktor. Nagalit siya noong lilipat ako ng ibang ospital, tinawag niya po iyong dalawang guwardiya at sinabihang huwag daw ako palalabasin hangga’t hindi pa ako pumipirma sa kasulatan niya noong huling tingnan niya ang anak ko. Sinabi niya pong iko-confine daw ang anak ko pero dinala ko na sa ibang ospital. Salamat po.

0927747xxxx – Idol Raffy, irereklamo ko lang po ang isang junkshop na pag-aari ng abusadong mag-amang kagawad. Sinakop na po ng junkshop nila ang kalsada kaya hirap dumaan ang mga tao dito sa amin sa Mandaluyong City. Salamat po.

0912609xxxx – Sir Raffy, ako po ay isang concerned citizen, ire-report ko lang sa inyo na dito sa amin sa Project 8, Quezon City ay may nagre-recruit for Philippine Army daw. Dito rin po nagsasagawa ng training at may bayad na halagang P1,300 bawat tao. Pinangungunahan po ng isang sibilyan at kadalasan ay may mga pupunta dito sa amin na may dalang mga baril.

Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo 5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 – 4:00 pm. Mapapanood na rin ang WSR sa Aksyon TV sa Channel 41 – isang free channel.  Sa Cebu at Davao, ang Aksyon TV ay nasa free channel 29.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.