Problema sa Enerhiya ng Mindanao, Malulutas ng Proyekto sa Pagmimina

SINABI NI Planning and Policy Chief ng Mines and Geosciences Bureau Central Office Glen Marcelo Noble na makatutulong ang balak na pagtatayo ng plantang pang-enerhiya na ilalaan sa minahan sa Tampakan para mapanatag ang power supply sa Southern Mindanao dahil nakatitiyak na may sobrang kapasidad ito ng elektrisidad.

“Pangunahing tagakonsumo ng kuryente ang mga proyekto sa pagmimina at isa sa bahagi nito ang planta ng enerhiya,” ani Noble. “Hindi lamang ang mining project ang masusuplayan nito kundi pati ang national grid.”

Nilinaw niya na sanhi ng katatagan ang pagpapasok ng puhunan ng isang investor nang hindi nagiging pabigat sa power grid.

“Ang mga ganitong uri ng proyekto ang kailangan natin sa Mindanao grid para mapagaang ang problema sa enerhiya,” dagdag ni Noble.

Sa unang bahagi ng taon, hinimok ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga investor na magtayo ng mga bagong planta ng enerhiya para magpuno sa suplay ng koryente ng mga lumang power generators sa Mindanao.

“Kailangan ng Mindanao ang mas sapat na kapasidad ng elektrisidad nang hindi inilalagay ang lahat ng itlog sa iisang basket. Kailangan natin ang mas maraming planta (ng koryente) rito,” sabi ni Aquino sa isang kumperensiya noong Abril.

Nagkaproblema kamakailan ang Mindanao ng kakulangan sa enerhiya dahil sa tumataas na pangangailangan sa elektrisidad sa umuunlad na sentrong panglungsod tulad ng General Santos, Davao, Cagayan de Oro at Zamboanga. Nakaapekto sa mga negosyo ang problemang ito dahil sa madalas na brownouts.    (EC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.