Pro-ChaCha, Nadagdagan

NADAGDAGAN PA ang bilang ng mga gustong magsulong ng Charter Change (Cha-Cha) sa pagpasok ng 16th Congress.

Ito ay sa kabila ng hindi pagkonsidera dito ng Palasyo bilang priority bill sa nakaraang sesyon ng Kongreso.

Sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na hayagan ang kanyang pagsuporta sa nasabing panukalang batas, pero wala namang mangyayari rito kung walang magsusulong sa plenaryo.

Ayon kay Belmonte, mahalaga ang pagbabago sa economic provisions upang makahikayat pa ng maraming investors.

Kabilang sa maagang naglahad ng kanilang kahandaang sumuporta sa Cha-Cha sina Valenzuela City Rep. Magtanggol Gunigundo, House Committee on Constitutional Amendments chairman Loreto Ocampos at Marikina City Rep. Romero Quimbo.

Samantala para sa Palasyo, malamig ang pagtanggap ng Pangulong Noynoy Aquino III sa anumang pagbabago sa Saligang Batas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.