Private Plane, Bumagsak; Piloto, Nakaligtas

BUMAGSAK SA karagatan ng Lawis, Bato, Santa Cruz, Davao del Sur ang isang private plane dakong alas-8:35 ng umaga kahapon.

Ayon sa piloto ng four-seater Cessna plane 172 na may body number 391 na si Captain Tañada Pagaran Pinto, 60, ng Purok Maligaya, Bato, Santa Cruz ng nasabing lalawigan, bago nangyari ang insidente ay inihatid muna niya ang negosyante at may-ari ng eroplano na si Lito U. Lucas sa Tambler, General Santos City kahapon ng umaga.

Mag-isa na lamang bumalik ang nasabing piloto at nang pabalik na papuntang Davao International Airport ay saka nakaranas ng loss power ang eroplano habang nasa 2,500 feet ang taas at bumaba pa sa 1,000 feet.

Tumawag ang piloto sa control tower ng Lapanday sa Guihing, Hagonoy at nagpaalam na mag-emergency landing sana upang ma-check-up ang Cessna plane.

Subalit hindi na siya umabot at napilitang i-crashland ang Cessna plane sa hanggang dibdib na bahagi ng karagatan ng Santa Cruz.

Matapos na bumagsak sa tubig kaagad namang nagsidatingan ang mga mangingisda sakay ng kanilang mga bangka at nagulat ang kanilang mga kabarangay na si Pinto ang piloto ng private plane.

Base naman sa report ng mga awtoridad, sinasabing wala namang natamong anumang sugat sa katawan ang piloto maliban sa pagkawala ng kanyang relo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.