Private Hospitals, Umalma sa Planong Pagbubuwis

UMALMA ANG Private Hospital Association of the Philippines (PHAP) sa plano ng pamahalaan na buwisan ang mga non-stock, non-profit hospitals.

Ito’y sa harap ng desisyon ng Supreme Court (SC), kung saan pinagbabayad nito ng P63.9 milyong ang St. Luke’s Medical Center, Inc. para sa tax deficiency income tax nito, value added tax at withholding tax on compensation para sa taong 1998.

Ayon kay PHAP Presidente Dr. Rustico Jimenez, makikipag-usap ang kanilang legal team sa legal team ng St. Luke’s para pag-usapan ang mga gagawing hakbang para mabaligtad pa ang desisyon ng Korte.

Posible umanong kuwestiyunin nila ang ipinalabas na desisyon ng Korte o ‘di kaya’y humingi ng malinaw na guidelines kung ano ang mga dapat buwisan sa mga non-profit hospitals o mga ospital na pinatatakbo ng mga foundation.

Iginiit ni Jimenez na ang mga mahihirap na pas-yente ang maapektuhan ng gagawing pagbubuwis.

Imbes na sa kanila umano mapunta ang pondong inilalaan ng mga foundation hospital ay mapupunta pa ito sa buwis.

Ang mga charity ward ng mga pribadong ospital ang tulong nila sa mga hindi kayang tanggapin ng mga pampublikong ospital, ani Jimenez.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Private Hospitals, Umalma sa Planong Pagbubuwis

Leave a Reply

Your email address will not be published.