Private Audit sa Pondo ng mga Senador, Aprub sa Palasyo

SUPORTADO NG Palasyo ang hirit ng ilang minority senators na ipabusisi sa pribadong audit firm kung papaano ginagastos ng mga senador ang kanilang pondo.

Una rito, sinabi ni Senate Minority Leader Allan Cayetano na bagama’t suportado niya ang panukalang ipa-audit sa Commission on Audit (CoA) ang pondo ng mga mambabatas, mainam na ipabusisi na lamang ito sa private sector upang maalis ang anumang pagdududa dahil si Senate Pres. Juan Ponce Enrile ang nag-aapuba ng pondo nito.

Ayon kay Presidential Communications Group Sec. Sonny Coloma, kung magiging solusyon ang nasabing panukala upang mapatatag ang kredibilidad ng lehislatura ay suportado nila ito.

Ngunit ayon kay Coloma, dapat ay maging bukas ang mga senador sa panukala ni Cayetano.

Samantala, una nang dumistansya ang Malacañang sa mga pagtatangkang patalsikin ang pangulo ng Senado sa kanyang puwesto bagama’t nakakuha uli ito ng confidence vote kamakalawa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.