Priscilla Mereilles at John Estrada, beach wedding ang kasal next year!

MAG-ISA LANG ANG Brazilianang model na si Priscilla Mereilles na dumating sa 10th anniversary celebration ng Yes magazine nu’ng kamakalawa ng gabi na ginanap sa NBC Tent.

Hinanap namin si John Estrada sa kanya, nasa work daw ito kaya wala siyang kasama.

Masayang-masaya si Priscilla habang katsikahan namin ito at parang nasasanay na siyang magsalita ng Tagalog.

Kailangan daw niyang matuto dahil dito na siya mamalagi at feel na feel na raw niya maging Pinoy lalo na’t malapit na silang magpakasal ni John Estrada.

Nakatakda na pala silang magpakasal sa February next year. Ngayon pa lang ay pinag-uusapan na raw nila ito pero hindi pa raw ‘yung pinaplano lahat dahil abala pa si John sa trabaho niya at ganu’n din ito.

Napagkasunduan na raw nilang gawin itong beach wedding sa February next year.

Nandito nga raw ngayon ang mga magulang niya dahil gusto na rin nila rito at type na type daw nila si John na maging manugang nila.

Naikuwento na rin ni Priscilla na close na rin siya sa kanya sa mga anak ni John at tiyak na meron daw silang participation sa kanilang kasal.

Kahit kay Janice de Belen ay malaki ang respeto ni Priscilla kahit dalawang beses lang daw silang nagkita.

Kapag hindi na raw busy si John, pagdedesisyunan na raw nila kung saan sila magpapakasal dahil tatlong islands daw dito sa Pilipinas ang pinagpipiliian nilang pagdausan ng kasal.

MALAPIT NA ANG Holy Week at nakabiruan namin si Aljur Abrenica kamakailan lang kung type ba nitong magbakasyon uli sa Puerto Galera.

Natawa lang ang young actor dahil sa nangyari sa kanya roon na naging dahilan kung bakit nakasuhan ito ng isang babaeng menor de edad.

Sey naman ni Aljur, hindi naman daw siya nadala sa pagpunta ng Puerto Galera dahil talagang gustung-gusto raw niya ang lugar na ‘yun.

Malapit daw kasi ito sa Batangas, kung saan meron itong bar doon na pinamamahalaan ng Daddy niya.

Hindi naman daw nagbigay sa kanya ng trauma ang karanasang ‘yun dahil inosente naman daw siya sa ibinibintang sa kanya.

Sa ngayon nga ay hindi pa rin tapos ang kaso at naghihintay na lang daw siya sa payo ng abugado niya kung kailan uli ang hearing at kung matutuloy pa ba ito o tuluyan nang ma-dismiss.

Hindi pa rin daw sila nagkita nu’ng babaeng nagdemanda sa kanya, pero bahala na lang daw ang abugado niya sa pag-asikaso sa kasong ‘yun.

“Hindi ko na lang po iniisip ‘yun. Ayoko nang makadagdag pa sa problema ko ‘yun. Wala naman po talaga akong kasalanan,” pahayag ng young actor.

Nagbigay raw sa kanya ng leksiyon ang karanasang ‘yun at nagiging maingat na lang daw siya lalo na’t kung lumalabas silang magkakaibigan.

Sa darating na Holy Week ay balak ni Aljur na mag-Hongkong kasama ang buo niyang pamilya.

Matagal na raw silang hindi nakapagba-bonding lalo na ang mga kapatid niya kaya balak daw niyang mag-book sa hotel mismo sa Disneyland para ma-enjoy raw nang husto ng mga kapatid niya ang Disneyland.

Kailangan nga naman niyang magpahinga ng kahit ilang araw lang dahil sa ilang araw na puyatan nila sa taping ng The Last Prince.

By Gorgy’s Park

loading...

2 thoughts on “Priscilla Mereilles at John Estrada, beach wedding ang kasal next year!

Leave a Reply

Your email address will not be published.