Priscilla Meirelles, nairita sa paggamit kay John Estrada!

NAG-REACT SI PRISCILLA Meirelles tungkol sa nabanggit ni Ruffa Gutierrez last week na tinext niya ito and she’s asking Cristy Fermin’s number. Ito’y no’ng nag-commercial gap ang Paparazzi na bagong showbiz talk show sa TV5.

May isyu kasi about John Estrada na diumano’y nakitang may kasamang babae na nag-check in sa isang hotel pero hindi umano si Priscilla. Actually, blind item iyon sa umpisa and then natumbok na si John nga. Hindi na nga lang pinangalanan ni Tita Cristy kung sino ‘yong babae. Basta asawa raw nga ito ng isang singer na laging late sa mga commitments nito.

Sa tono ng pahayag ni Priscilla, parang hindi niya nagustuhang naidaldal pa ni Ruffa ang pagti-text niya rito. ‘Yong pagti-text daw kasi is a private thing sa pagitan ng nagti-text at tini-text na hindi na umano dapat isini-share pa kung kani-kanino.

Mukhang dahil dito, si Priscilla naman ang makakaintrigahan ni Ruffa Gutierrez matapos ‘yong isyu sa huli at kay Kris Aquino. At tila nagbabadya rin na magkaroon ng issue sa pagitan nila ni Tita Cristy lalo pa’t mariing nasabi ng model-beauty queen na hindi siya naniniwala sa intrigang lumabas hinggil sa boyfriend niyang si John.

Eh, knowing Tita Cristy, kapag may pinakawalang pasabog, ipaglalaban niya at paninindigang totoo ang pinaputok niyang issue.

Pero hindi nga raw talaga apektado itong si Priscilla. Walang takot din niyang isiniwalat ang saloobin tungkol sa bagong showbiz talk show hosted by Ruffa, Tita Cristy, and Dolly Ann Carvajal (ang Paparazzi nga) na it’s a new show raw. And she’s pretty sure umano na people behind the show including the hosts, all they’re trying to do raw is call attention by using John.

Na pati raw siya ay tila gusto ring gamitin by mentioning her name. Pakiramdam daw umano talaga niya, people behind Paparazzi just want to make news for the show. But maybe they should use other people na lang daw, sabi pa ni Priscilla.

Ano kaya ang resbak dito nina Ruffa, Tita Cristy, at Dolly?

Will it be the three of them versus Priscilla nang dahil sa pasabog na blind item na patungkol kay John?

Abangan!

TAMA LANG NA huwag nang ilahad pa sa publiko at sarilinin na lang ni Rayver Cruz kung ano nga ba talaga ang sinabi sa kanya ng daddy ni Sarah Geronimo na si Mr. Delfin Geronimo nang kumprontahin siya nito last week.

Ayon kasi sa mga nakakita, matapos daw ang production number ni Rayver sa ASAP, pabalik na umano ito sa dressing room nang biglang harangin at kumprontahin daw ng ama ni Sarah. Dinuro-duro pa raw siya nito habang sinasabihang layuan na at huwag na raw siyang lalapit pa sa anak.

Kahit anong pangungulit kay Rayver, ayaw na nitong sabihin pa kung ano ba talaga ang eksaktong mga sinabi sa kanya ng daddy ni Sarah. Malaki umano ang respeto niya rito, at maging sa mommy ni Sarah kaya kung anuman daw iyon ay sa kanya na lang.

Aminado ang young actor na na-shock siya sa nangyari dahil hindi umano niya inaasahan ang nasabing insidente.

Consistent si Rayver sa pagdi-deny na naging mag-on sila ni Sarah pero sa break-up ito humantong dahil na rin sa noon pa ma’y napapabalitang matinding pagtutol ng mga magulang nito sa relasyon nila.

‘Yong nangyaring pagkumpronta sa kanya ng ama ni Sarah, sana raw ay walang maging epekto sa closeness nila as friends. Talagang magkaibigan lang daw sila ng dalaga. Masaya na raw siya sa gano’ng estado muna ng samahan nila.

Pero aminado siyang mahal nga raw niya si Sarah. Kasi nga raw ay malapit ito sa puso niya bilang kaibigan. Hanggang do’n lang daw muna. Tingnan na lang daw natin kung saan eventually puwedeng makarating iyon. Basta okey na muna sa kanya na friends sila. Ang mahalaga raw, nananatiling special sa puso niya si Sarah.

With that, siguradong mananatili pa ring nakaharang sa kanya ang mga magulang ni Sarah na sabi’y hindi nga raw boto kay Rayver.

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articlePremiere Shots: Dingdong and Marian’s ‘Everything’
Next articleMarian Rivera, dedma na lang sa mga intriga!

No posts to display