Priority Bills, Pagpupulungan ng Senado at Kamara

NAKATAKDANG MAGPULONG ang liderato ng Senado at Kamara de Representantes para pag-usapan ang mga prayoridad na panukalang batas bago ang pagbabalik ng sesyon sa Enero 21.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., kailangan nilang magpulong ni Senate President Juan Ponce Enrile upang tukuyin ang mahahalagang bills para ipasa sa huling tatlong linggong sesyon ng 15th Congress.

Kabilang aniya sa mga panukalang batas na kailangan ng aksyon ng Kongreso ay ang Freedom of Information (FOI) Bill at ang Anti-Trust Bill na kasaluku-yang nakabinbin sa dalawang kapulungan.

Samantala, nabatid na siyam na session days na lamang ang nalalabi simula Enero 21 hanggang Pebrero 8 bago ang campaign period para sa halalan sa darating na Mayo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.