Printing Office, Pinasok ng mga Kawatan

NAPAGNAKAWAN NG hindi pa nakikilalang mga suspek ang isang printing office sa pamamagitan ng pagsira ng kandado sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, alas-8:45 ng umaga, pumasok si Seren Clariño sa kanyang S. T. Clariño’s Printing Office sa 2nd floor ng REG Bldg,. MacArthur Highway, Malinta ng lungsod subalit laking gulat nang makitang sira ang kandado ng pinto.

Agad na pumasok si Clariño at nakitang nawawala ang dalawang laptop, dalawang aircon, dalawang set ng computer at JVC television na naging dahilan upang sabihin sa mga pulis.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing nakawan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.