Principal na suspek sa pagpatay, sumuko na

ILOILO CITY – PATULOY pa ring iniimbestigahan ngayon ng mga pulis ang motibo ng principal ng Bitoon Elementary School sa Brgy. Bitoon, Jaro, Iloilo City na siyang itinuturong suspek sa pananaksak sa 29-anyos na si Roldan Argamaso kamakailan lang.

Ang biktima ay natagpuang sugatan sa Mulle Loney, Iloilo City at binawian ng buhay sa ospital.

Sa impormasyon na nakalap ng pulisya, isang homosexual ang suspek at may namagitang transaksyon diumano sa pagitan nila ng biktima bago nangyari ang insidente.

May mga lumalabas ding pahayag na hinoldap umano ng biktima ang suspek kaya’t kanya itong inundayan ng saksak.

Napag-alaman na matapos ituro ng isang nagnga-ngalang Ryan Reymundo na ang nabanggit na principal ang nanaksak sa biktima, sumuko agad ito sa mga pulis. (Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.