Princess Ryan to quit showbiz?!

NAGULAT KAMI NANG may nagbalita sa amin na aalis na daw muna sa showbiz ang sexy-actress na si Princess Ryan. Hindi malinaw ang nakarating sa a-ming balita kung bakit pansamantala muna niyang iiwan ang showbiz na gustung-gusto niya. Kaya naman personal namin siyang pinadalhan ng mensahe sa pamamagitan ng text at agad naman siyang sumagot sa amin. Aniya, “Oo eh. Minamadali na ‘yung US citizenship ko, kasi magtu-22 na ko ngayong May. Mahihirapan na akong mag-apply ‘pag lagpas 21 na. Dapat last year ko pa inayos, kaso nagkataon na maraming projects. Kaya sinabi ko sa dad ko, this year ko na lang aayusin. Mami-miss kita.”

Maraming mga proyekto ang pinagkakaabalahan si Princess simula nang lumipat siya sa TV5. Kaya puro trabaho na lang daw ang inaasikaso niya at hindi na niya naasikaso ang kanyang citizenship. “Wala pa namang date ang alis ko kasi hindi pa kumpleto ang papers ko. Pero ita-try ko by the end of this month, kasi May 26, 22 na ako. Required kasi raw ako mag-stay for 6 months doon. Pero gagawan naman ng paraan para makabalik ako nang mas maaga, wala naman ako gagawin doon, eh.”

Sa Oregon daw siya mag-i-i-stay du’n at babalik daw siya agad dahil mami-miss niya nang husto ang kinalakihan na niyang mundo, ang pagsasayaw at pagpapatawa. Target din daw niyang mas lalo pang magpapapayat para sa pagbalik niya, in good shape na raw siya. Good luck!

NAGTATAKA KAMI KUNG bakit matagal-tagal na ring hindi namin nakita o nabalitaan man lang ang noo’y nauugnay sa pangalan ni Queenie Padilla na si PJ Valerio. Hanggang sa isang araw ay may nakapagbalita sa amin na nasa Hong Kong Disneyland na pala ito nagta-trabaho.

Isang taon daw ang pinirmahang kontrata ni PJ doon bilang singer-actor sa teatro kung saan mas kilala siya rito sa bansa. Wala naman daw kasing mga karaketan pa rito, kaya minabuti ng batang aktor na tanggapin na lamang ang naturang proyekto at mas malaki naman daw ang kita roon. Well, antayin na lang natin ang pagbabalik niya at kung manatili pa ba siya roon after one year o magre-renew siya ng panibagong kontrata.

HINDI NATIN MADALAS marinig kay Mocha ang kuwento tungkol sa kanyang buhay. Minarapat niyang ilihim ito, as much as possible. Pero noong nag-guest siya sa Paparazzi, ikinuwento ni Mocha ang kanyang buhay bago pa siya pumasok sa showbiz. Laking Cabanatuan siya, ang ina niya ay isang doktora at ang kanyang ama naman ay isang huwes. Ilang taon na ang nakalipas nang na-ambush ang kanyang ama dahil na rin siguro ito sa nature ng kanyang trabaho. Kamakailan lamang, na-diagnose sa breast cancer ang kanyang ina, kaya todo pasakit sa damdamin niya ang mga pangyayari.

Tuluy-tuloy pa rin daw ang chemotheraphy ng nanay niya at nakakalbo na raw ito. Hindi napigilang umiyak si Mocha nang hi-ngan na siya ng mensahe para sa kanyang nanay dahil sinabi niyang gagawin niya lahat, gumaling lang ito sa karamdaman. At dagdag pa niya, hindi pa siya handa sa anumang maaaring kahihinatnan sa lahat ng ito. Kaliwa’t kanan ang fund raising niya para maipantustos sa inang may sakit.

Tutok lagi sa Juicy, daily (10 am), TV5; Paparazzi, Sundays, 4 PM, TV5; at sa Cristy Ferminute, daily, 4 to 6 PM, Radyo Singko, 92.3 newsFM at Aksyon TV Channel 41.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

13 thoughts on “Princess Ryan to quit showbiz?!

  1. Irish nga pero sa America na nakatira ang ama nya. American Citizen na yun. Denial lng yan si Princess. Sayang! 

  2. Buntis si Princess Ryan. Hindi pwedeng maging issue ang citizenship nya kasi anak sya ng isang Americano…automatic syang US Citizen. Hindi importante ang overaging na 21 dahil Americano ang tatay nya. Kailangan lng ng proof na anak sya ng Kano at US citizen na sya kaagad. Hay nako! tinatago nya, buntis po si PRINCESS RYAN. 

  3. kaya pala nandito ka padin kahit nagbirthday kana….ano ba talaga miss….baka magpapalipo ka lang o buntis ka talaga….sayang idol pa naman kita kaso plastic ka rin pala kasi nagsisinungaling ka.hindi mo nalang sabihin ang tototoo miss princess…….haaaiztt..

  4. serato tuta ka ni willie at ni cristy… syang bilib pa nman ako sa yo nung una./.. di ka na sisikat lulubog ka din

  5. Praying for that her mother will be victorious over her illness. Praying also for Mocha,. May God grant her strength and courage to fight with her Mom.

Leave a Reply

Your email address will not be published.