Princess Ryan, may K pa nga bang magbalik-showbiz?!

ANG BUONG akala namin ay hindi na magbabalik-showbiz ang beauty nitong si Princess Ryan. After nga niyang magbakasyon ng ilang taon sa showbiz, heto na naman siya at talagang bagong bihis na Princess Ryan ang inyong makikita.

Balita nga namin ay magkakaroon na siya ng bagong recording album ayon sa kanyang manager na si Jeff Andoy. At ire-repackage siya ng bagong nag-aalaga sa kanyang career ngayon, ang Aerynvic Production and Artist Management.

Mala-tipong J-Lo nga raw ang bagong image ni Princess. Hindi naman malayong matupad ‘yon dahil nga sa mahusay naman siyang singer at dancer, kaya bagay na bagay sa kanya.

Last week lang ay naging guest ng buong linggo si Princess sa It’s Showtime bilang isa sa mga hurado. Sa kanyang comeback ay isang matapang at isang propesyunal na Princess ang inyong makikita.

Yes, abangan na lang natin kung may karapatan pa nga ba siyang magbalik. Good luck, Princess!

 

DAHIL NGA sa bet ko kung kaya palagi kong nakakausap ang Artista Academy scholar na si Akihiro Blanco. At isa lang ang masasabi namin, mukhang may ibubuga nga siya na makuha ang pinakamataas na puwesto sa said show.

May dugong artista rin si Aki. Sa mga hindi nakaaalam, pamangkin po siya ni James Blanco.

Natutuwa siya dahil nga hindi siya ang nakasama sa mga kasama niyang scholar na matanggal ngayon linggong ito.

Sabi pa nga niya, “Gagalingan ko at lalaban ako. Gagawin ko lahat ng best ko para sa contest na ‘to.”

At natutuwa siya kapag sinasabing mas guwapo ang scholars ng AA kaysa sa mga contestant ng Protege. “Siyempre po masaya ako kapag magaganda ang comments po sa amin.”

Marami na ang nabago kay Aki dahil nga ang dami na niyang fans ngayon. Iboto natin si Akihiro Blanco.

‘Yun na!

 

BLIND ITEM: I’m sure kilala n’yo itong blind item natin ngayon. Knows n’yo ba kung sino itong sexy star-cum-TV host na  nakitang nagsi-swimming sa mansiyon ng isang male TV host one early morning?

At nakita rin ng ating source na naki-join din si male TV host na mag-swimming kasama si sexy star. At ang ending dahil nga malamig ang tubig sa pool ay nagpainit ang dalawa. Nag-kissing-kissing na silang dalawa.

Ang tanong, siya na ba ang bagong girl ni male TV host? At yun daw ba ang walang relasyon? E, paano na ang balitang may boyfriend si sexy star na isang foreigner?

Alam kaya ito ni male TV host? O, hindi naman seryoso si lalaki kay girl? Well, ‘yan ang aabangan natin.

Ang clue? May kapatid si sexy star na lalaki na ka-relasyon naman ang isang actress-TV host…

Basta in na in siya ngayon sa showbiz. Kahit na mahirap ispelengin ang kanyang first at last name.

O, ‘yan ha? Getsing n’yo na ba kung sino sila?

 

BLIND ITEM PA: Isang sikat na aktres ang pumupunta sa isang condo ng isang rich and famous na businessman…

Kaya lang, naka-off ang lahat ng CCTV camera. Bakit kaya? Abangan… ang detalye.
by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

Related Post

loading...

6 thoughts on “Princess Ryan, may K pa nga bang magbalik-showbiz?!

  1. Akihiro Blanco? Parang Japanese ang pangalan nito. O sigi tawagin nyo si Arnell Ignacio para magkandarapa yon papunta kay Akihiro hahahahha at baka sabihin na Let me in, Let me in, Let me search, Let me search…..

  2. solenn heusaff ung sexy-star-tv host kc ung kapatid niya ay bf ni anne curtis…but i dunno d male tv host link 2 solenn….hahaha..opinion lang po:Dpeace!hahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.